YOU WANT????

Tuesday, September 13, 2011

TATTAN NAGUILIAN FACEBOOK GROUP PAGE

[SHARE] [EVENTS] [STATUS] [BLOGGING]
Open sa lahat ng mga tiga Naguilian La Union, at dito mababasa at makikita ang mga kaganapan sa bawat tao,barangay at pangyayari. 
Naipapaskil nila ang mga saloobin at dito ka magiging up-dated sa lahat-lahat gaya ng mga okasyon na ginaganap o gaganapin palang at dito natin makikilala ang isat-isa at marami na ang naging close dito.
-->NNHS BLOG ADMIN

Saturday, September 3, 2011

SHOWTIME AUDITION IN NAGUILIAN LA UNION [SEPT.4,2011] "BUKAS NA!!!"


SHOWTIME AUDITION IN NAGUILIAN LA UNION [SEPT.4,2011]
@ Naguilian Civic Center

Kaya kung may kakayahan kang ipa-kita ang natatanging talento sa pag-sayaw,pag awit at kung ano pa man ang talento mo na kaya mong ipag-malaki ay ito na ang pagkakataong ipakita mo ito sa buong mundo ay tara na para ikaw o kayo ang hihiranging Winner na bitbit ang pangalan ng ating pinakamamahal na bayang NAGUILIAN.

For More info, just visit us @ ABS-CBN.COM for more details or Watch Showtime Everyday Mon-Sat. @ Abs-Cbn TV3[Kapamilya Network].

See You There!!!

Friday, September 2, 2011

LET'S SUPPORT NNHS NAZIAN DANCERS ON SUNDAY @ SM Mall Rosales

LETS VOTE NNHS "Naguilian National High School"
Fore more updates, just like SM City Rosales Facebook Page for more details
VOTE NOW!!!

Thursday, September 1, 2011

CD COMPILATION FOR NNHS RAP MUSIC

CD COMPILATION BY: Hector "Rbk" Mazon

Sa Performance nya bukas ay ipapamahagi ito kaya sanay suportahan natin.
Courtesey of Filipino Department
by: Joven Rivera & Arnel Dumo

Friday, August 19, 2011

BUWAN NG WIKA


Isang Pagpupugay sa Wikang Filipino Agosto, Buwan ng Wika 

          “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at  malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng  inang sa atin ay nagpala.” Ito ang mga tanyag na katagang  nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal na nagbibigay importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao.
          Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo.
          Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang “Filipino” pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan.
          Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba’t-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.
          Kaya ang “Buwan ng Wika” ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa  ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa.